Tinanggal na ni Retired Brigadier General Joselito Kakilala ang post nya sa Facebook hinggil sa isang sikat na pulitiko na di umanoy nagpla plano ng kudeta laban sa Duterte Administration.
Ayon kay Kakilala, tinanggal nya ang kanyang post matapos syang mapag sabihan na posibleng fake news ang artikulo.
Sinabi ni Kakilala na nagkomento lamang sya sa artikulo at wala sa isipan nya na isang pinagpipitaganang Senador ang tinutukoy sa artikulo.
Ipinaliwanag ni Kakilala na dati syang hepe ng AFP Office of Strategic Studies and Strategy kayat alam nya ang paghihirap para isulong ang AFP Transformation Roadmap para ma highly professionalize ang militar.
sa kanyang komentaryo, tinawag na gago ni Kakilala ang sinasabing pulitiko na nag re recruit di umano ng mga bagong graduates ng PMA para maglunsad ng kudeta.
Hinikayat nya ang PMAYERS na huwag maniwala sa pulitiko dahil maraming pamilya ng mga sundalong lumahok nuon sa kudeta ang nagdusa.
SMW: RPE