Nangangamba ang mga European Businessmen sa desisyon ng Kamara na paglaanan lamang ng 1,000 Pisong budget ang Commission on Human Rights para sa susunod na taon.
Ayon kay European Chamber of Commerce of the Philippines President Guenter Taus, ang karapatang pantao ay isa sa kanilang mga pangunahing ikinukunsidera sa paglalagak ng puhunan sa isang partikular na bansa.
Kung hindi anyang po-protektahan ang karapatang pantao ay maraming mga dayuhang mamumuhunan ang magdadalawang isip na magtayo ng negosyo sa bansa.
Samantala, umaasa naman si Budget Secretary Benjamin Diokno na mareresolba ng mga mambabatas sa mataas at mababang kapulungan ng Kongreso ang budget standoff.
SMW: RPE