Ipatutupad na ng COMELEC o Commission on Elections ang gun ban simula Setyembre 23 hanggang a Oktubre 30.
Ito ay bilang paghahanda sa halalang pambarangay at Sangguniang Kabataan sa Oktubre, hangga’t wala pang batas para sa pagpapaliban nito.
Sa inilabas ng Resolution Number 10197 ng COMELEC, ipinagbabawal ang pagdadala ng mga armas at mga patalim sa labas ng tahanan at iba pang pampublikong lugar.
Ipinagbabawal na rin ang pag-employ o pagkuha ng serbisyo ng mga security personnel o body guard maging ito man ay regular na miyembro ng PNP, AFP o ibang pang enforcement unit ng pamahalaan.
Kasabay nito magsisimula na rin ang pagtanggap ng COMELEC committee on the ban of firearms and security personnel ng aplikasyon para sa “issuance of authority” upang makapagbitbit o makapagbiyahe ng mga armas at iba pang patalim simula sa a-21 ng Setyembre.
SMW: RPE