Itinanggi ni Quezon City Police District Director; Chief Superintendent Guillermo Eleazar na may paglabag at kalabisan ang mga pulis na nagsagawa ng inspeksyon sa ilang mga establisyemento sa lungsod.
Ito ay kasunod ng post ng ilang mga netizens na nagpapakita na iniinspeksyon ng mga pulis QC ang ilang bags ng mga customers sa ilang mga bars sa may Loyola Heights.
Ayon kay Eleazar, walang dapat ikaalarma ang publiko dahil bahagi aniya ito ng matagala nang kampanya ng PNP o Philippine National Police na Oplan Bakal.
Layunin aniya nito ang bantayan ang mga etablisyementong nagbebenta ng alak nang walang permit at masawata ang mga kontrabado tulad ng mga baril at bakal.
Paliwanag pa ni Eleazar nagkaroon sila ng koordinasyon sa mga opisyal ng barangay at asosasyon ng mga bar owners at maayos na humingi ng permiso ang pulis sa mga customers bago inspeksyunin ang kanilang mga bags.
Kasabay nito, hinimok ni Eleazar ang publiko na isumbong ang anumang pag-abuso ng mga pulis sa pagpapatupad ng Oplan Bakal.
SMW: RPE