Itinuturing ni Commission on Human Rights o CHR Commissioner Roberto Cadiz na pagdadahilan lamang sa isang hindi makatwirang pasya ang suhestiyon ng isang mambabatas na ilaan sa pagpopondo ng Free Higher Education Act ang bahagi ng hindi inaprubahang budget ng komisyon.
Ayon kay Cadiz, hindi nararapat na isakripisyo ang karapatang pantao para sa edukasyon dahil magkaiba ang tungkulin at layunin nito at dapat parehong prayoridad.
Dagdag ni Cadiz, panloloko lamang sa publiko ang nasabing panukala dahil kung tatanggapin ito ay para na ring binigyang katwiran ang pagbuwag sa mga ahensiya ng pamahalaan na ang tungkulin ay panatilihin ang demokraysa sa bansa.
Una rito, iminunkahi ni House Appropriations Committee Chairman Karlo Nograles na ilagay na lamang ang tinanggal na pondo ng CHR sa Free Higher Education na hinahanapan pa rin ng budget hanggang ngayon.
SMW: RPE