Itinaas na ang alert level sa Mount Agung sa Bali Indonesia.
Kasunod na rin ito ng pagtaas ng volcanic at tectonic activity ng nasabing bulkan.
Dahil dito, pinapayuhan ng National Disaster Mitigation Agency ng Indonesia ang mga residente at turista na manatili sa layong tatlong kilometro mula sa crater ng bulkan.
Ibinabala rin ng ahensiya ang mas madalas pang mga volcanic activity at pagbabago sa alert level nito.
—-