Nagsisilbing inspirasyon ngayon sa mga fans at celebrities ang katatagan ng singer na si Selena Gomez, matapos itong sumailalim sa kidney transplant.
Ang kanyang best friend na singer-actress na si Francia Raisa ang nag-donate sa kanya ng kidney.
Nag-post si Selena ng kanilang larawan sa kanyang Instagram account na magkahawak ng kamay habang nakahiga sa isang hospital bed.
Hindi naman magkamayaw ang mga taga-suporta ni Selena na palakasin ang loob nito at patuloy na sinasabihang magpakatatag ang aktres.
Ani Selena, kailangan niyang gawin ang nasabing operasyon para sa kanyang overall health.
Lubos-lubos naman ang pasasalamat ni Selena sa suporta ng kanyang pamilya, mga tagahanga at mga kaibigan lalo na sa kanyang BFF na si Raisa.
Nabatid na ang operasyon ng 25-year-old singer ang dahilan kung bakit hindi siya naging aktibo sa kaniyang career, dahil sa sakit nitong lupus kung saan kasalukuyan itong nagre-recover.
—-