Naniniwala si Defense Secretary Delfin Lorenzana na maaaring mahigit pa sa 50 Billion Pesos ang pondo na kailangan ng pamahalaan sa rehabilitasyon ng Marawi City.
Ito, ayon kay Lorenzana, ay batay sa kanyang pagtaya sa nakitang pinsala sa lungsod.
Dahil anya sa bakbakan ng gobyerno sa Maute ay kakapusin 50 Billion Peso budget para maibalik sa normal ang pamumuhay ng mga residente ng Marawi.
Sa ngayon, ilang bansa na ang nagbigay ng kanilang donasyon para sa rehabilitasyon ng Marawi City partikular na ang Estados Unidos, Australia, Japan, Thailand, China at European Union.
Inaabangan naman ng pamahalaan ang magiging assessment ng Task Force Bangon Marawi upang malaman kung magkano talaga ang kailangang pondo para sa rehabilitation program.
Ulat ni Jopel Pelenio
SMW: RPE