Ikina-alarma ng pamahalaan ang panibagong Ballistic Missile Test na pinakawalan ng North Korea kung saan bumagsak ang mga debris sa Pacific Ocean.
Ayon kay Defense Secretary Delfin Lorenzana, nakakatakot ang ginawang ng NOKOR dahil hindi “accurate” ang teknolohiya na kanilang ginamit na maaring sumablay at bumagsak pa sa Pilipinas.
Sadya pa naman anyang napakalakas ng mga nasabing bomba na 18 beses umanong kumpara sa dalawang atomic bomb na ibinagsak ng Amerika sa Hiroshima at Nagasaki, Japan noong 1945.
Dahil dito, naghahanda na umano ng contingency plan ang pamahalaan sakaling humantong sa digmaan ang tensyon sa Korean Peninsula.
Kabilang sa plano ng gobyerno ang paglilikas sa 26,000 Filipino na South Korea.
Ulat ni Jopel Pelenio
SMW: RPE