Kinumpirma ni Malaysian Prime Minister Najib Razak na mula sa nawawalang Malaysian MH-370 jetliner ang debris na natagpuan sa Reunion Island.
Base ito sa isinagawang pagsusuri ng international crash experts sa bahagi ng pakpak ng eroplano na natagpuan sa Indian Ocean.
Nabatid na sinuri ang bahagi ng eroplano sa isang aeronautical test facility ng French military sa Balma, France.
Matatandaan na noong Marso 8, 2014 nang biglang nawala ang nasabing eroplano na may biyaheng Kuala Lumpur papuntang Beijing lulan ang 239 katao.
By Mariboy Ysibido