Ipinakalat na ng NCRPO o National Capital Region Police Office ang aabot sa 1,000 mga pulis sa mga matataong lugar at crime prone areas sa Metro Manila.
Ayon kay NCRPO Chief Oscar Albayalde , ito ay bahagi ng mga hakbang para matiyak ang seguridad ng publiko ngayong Ber months.
Bukod dito ay patuloy rin ang kanilang pagbabantay sa ginaganao na Senior Officials Meeting ng ASEAN.
Patuloy rin aniya ang kanilang mahigpit na pagmomonitor sa anumang banta ng terorismo.
SMW: RPE