Nagpa abot ng pagbati si dating Senate President Juan Ponce Enrile kay dating Senador Jinggoy Estrada sa ibinigay na pansamantalang kalayaan ng Sandiganbayan.
Sa eklusibong panayam kay former Senator Enrile sa programang Usapang Senado, sinabi ni Enrile na kanyang tinawagan si Jinggoy at nagpa abot ito ng pagbati, bagama’t di pa sila umano masyadong nakakapag usap ay magtatakda na lang sila ng araw kung kailan sila pwedeng magka usap at mag kamustahan.
Ayon pa kay Enrile, lubhang napaka bagal ng justice system sa bansa, marami umanong nasasayang na araw sa oras na ang isang naakusahan ay nasa detention cell, lalo na at karamihan sa mga ito ay may pamilya at padre de pamilya.
Matatandaan na naging magkasama sina dating Senador Enrile at Estrada sa PNP Detention cell sa kasong plunder at graft na inuugnay kay Pork Barrel Scam Queen Janet Lim-Napoles. Taong 2015 nang payagang magkapagpyansa ng Sandiganbayan 3rd division si Enrile para sa kanyang pansamantlang kalayaan.