Hindi malabong magkaroon ng deadlock sa pagitan ng Kamara at Senado hinggil sa panukalang budget para sa susunod na taon.
Kasunod ito ng pagbibigay ng tig-isanlibong pisong budget sa tatlong ahensya ng gubyerno tulad ng CHR o Commission on Human Rights, NCIP o National Commission on Indigenous People at ERC o Energy Regulatory Commission.
Sa panayam ng programang Usapang Senado, binigyang diin ni Senate President Koko Pimentel na kailangang mahimay maigi ang nasabing panukala.
Posibleng deadlock ‘yan, kasi ganito naman sa demokrasya, kung talagang magmamatigas ang dalawang panig na hindi magka-agree, talagang deadlock po ‘yan, hindi lang sa CHR.
Bagama’t sang-ayon si Pimentel sa mensaheng nais ipabatid ng Kamara sa mga naturang ahensya, sinabi ni Pimentel na marami rin dapat isa-alang-alang kaya’t ito ang kanilang tatalakayin sa mababang kapulungan.
Sa conversation natin sa House, pati ‘yung Constitutional approach, ire-raise po natin sa kanila na malabo atang gawin ito kasi paano ‘yung mga sweldo ng mga government employees? Kung 1,000 lang ang budget, wala kang pampasweldo, para ka na ring nag-remove sa mga tao na wala namang individual cost.