Aprubado na ang P14 wage hike sa mga minimum wage earners sa Ilocos Region.
Ipinabatid ni DOLE Region 1 Director Grace Ursua na ibibigay ang umento sa pamamagitan ng dalawang tranche.
Ibig sabihin, ayon kay Ursua, ang unang P7 ay ibibigay kapag epektibo na ang wage order at ang ikalawang tranche ay sa December 1.
Inaasahang mahigit 118,000 empleyado mula sa 45,542 micro-estrablishments ang makikinabang sa naturang wage hike.
Itinakda sa Setyembre 17 ang deadline sa paghahain ng exemption sa naturang wage order.
By Meann Tanbio