Malaki ang paniniwala ni Siquijor Rep. Ramon Rocamora na magkakaroon pa ng rekonselasyon ang hidwaan sa pagitan ni Pang. Rodrigo Duterte at Commission on Human Rights Chairman Chito Gascon.
Sinabi ng mambabatas na kailangan lamang na daanin sa diplomasya at maayos na pag-uusap ang naturang di pagkaka-unawaan ng Pangulo at CHR, kaugnay sa kampanya kotra kriminalidad.
Wala aniyang imposible basta’t bukas at sinsero lamang ang magkabilang panig para sa rekonsilasyon.
Dagdag pa ni Rocamora, sinusuportahan niya ang anti-criminality campaign ni Pang. Duterte basta’t nasa tama lamang at walang nadadamay na mga inosente.
By: Jopel Pelenio
SMR: RPE