Mariing inihayag ni Budget Sec. Benjamin Diokno na huwag munang masyadong pagsayangan ng oras, panahon at tulog ang kontrobersyal na P1,000 budget ng Commission on Human Rights (CHR), gayundin sa National Commission on the Indigenous Peoples (NCIP) at Energy Regulatory Commission (ERC) na inaprubahan ng Kamara.
Pahayag ni sec. Diokno, marami pang mangyayari sa Senado dahil nasa unang bahagi pa lamang ang ntrng panukalang batas.
Mayroon aniyang mga dahilan ang mga Kongresista sa ginawang desisyon, habang may kaibang posisyon din ang ilang Senador kaya magkakaalaman kapag dumating na Bicameral Conference Committee at magkakaroon ng kompromiso.
Dagdag ni diokno, bagama’t constitutional body, walang magagawa ang ehekutibo o alinmang ahensya dahil “absolute” ang kapangyarihan ng Kongreso sa pag-apruba ng budget na gugugulin sa gobyerno.
By: Jopel Pelenio
SMR: RPE