Sinisilip na ng CHED o Commission on Higher Education ang posibleng paglabag ng Cavite State University matapos idaos dito ang tinaguriang True State of the Nation Address o “TSONA” ni Vice President Jejomar Binay.
Ayon kay CHED Executive Director Julito Vitriolo, kabilang sa mga posibleng paglabag ng paaralan ang Administrative Code of 1987 kung saan pinagbabawalan ang mga appointed public official na makilahok sa mga political activity, direkta man o hindi.
Sinasabing posibleng lumabag din ang CSU sa Republic Act 6713 o Code of Conduct at maging sa Civil Service Rules.
Aalamin din ng CHED ang katotohanan sa umano’y pagpuwersa sa mga estudyante ng CSU na dumalo sa TSONA ni Binay.
By Judith Larino