Nakatakdang magbukas ang 11th ASEAN Ministerial Meeting on Transnational Crimes na naglalayong mapatibay ang mga istatehiya at kooperasyon para labanan ang transnational crimes na gaganapin sa bansa ngayong araw.
Inaasahang dadalo sa naturang event ang ilang minister, senior officials at delegado mula sa mga miyembrong bansa ng ASEAN o Association of Southeast Asian Nations.
Kabilang sa magiging highlight ng apat na araw na event ay ang ikalawang ASEAN Ministerial Meeting on the Time of Radicalization and Violent Extremism kung saan tatalakayin ng mga ASEAN leaders ang kanilang karanasan, persepsyon at mga istratehiya sa pag-handle sa mga extremist group.
Bukod sa mga ASEAN members ay makikilahok din sa nasabing event ang mga opisyal ng China, Japan at Republic of Korea.
—-