Nanawagan si Senador Sherwin Gatchalian sa pamunuan ng University of Santo Tomas na pangunahan ang pagsusulong ng hustisya sa first year Law student na si Horacio Castillo III na napatay dahil sa hazing.
Ayon kay Gatchalian, ang sinalihang fraternity ni Castillo na Aegis Juris Fraternity ay duly accredited student organization ng UST.
Wala aniyang maaaring ikatwiran ang unibersidad para umiwas ito na magsagawa ng criminal action laban sa mga sangkot sa hazing na responsable sa pagkasawi ni Castillo.
Giit ni gatchalian, panahon na para ma-overhaul ang anti-hazing law upang masiguro na lahat ng masasangkot sa hazing na nauuwi sa pagkasawi ay agad na mapanagot.
(Ulat ni Cely Bueno)