Papayagan na ni Pangulong Rodrigo Duterte na bumaba sa bundok at makisama sa nakatakdang malakihang kilos protesta sa Huwebes, Setyembre 21 ang mga miyembro ng New People’s Army o NPA.
Gayunman, nilinaw ni Pangulong Duterte na kailangan lamang na tiyakin ng NPA na walang masasaktan na inosente at walang karahasan o kaguluhang magaganap.
Ayon sa Pangulo, basta’t hindi lamang magdadala ng armas ang mga rebeldeng grupo sa kanilang pagbaba, handa niyang atasan ang militar na huwag arestuhin ang mga ito.
Lahat aniya ng may hinanakit sa kanya, maaaring sumama at makiisa sa malakihang demonstrasyon subalit dapat tiyakin lamang na magiging maayos at mapayapa ang kanilang protesta.
Ulat ni Jopel Pelenio
SMW: RPE