Hawak na ni Senador Panfilo Lacson ang mga kinakailangang dokumento para maghain ng kasong kriminal sa Office of the Ombudsman laban kay dating Customs Commissioner Nicanor Faeldon.
Ayon kay Lacson, sa wakas ay hawak na nila ang certified true copies ng mga dokumento mula sa Bureau of Customs at mga sworn affidavit na kailangan para makapag-file ng solidong kasong kriminal laban sa dating Customs Chief.
Posible anyang ngayong linggo isampa ang kaso sa sandaling magkaroon siya oras sa kabila ng kaliwa’t kanang committee hearing nila sa Senado.
Ang kaso laban kay Faeldon ay kaugnayan sa nakuhang mga impormasyon ni Lacson na tumanggap ang dating opisyal ng 100 Million Pesos na pasalubong sa pag-upo noon sa Aduwana at kasama din ito sa listahan ng mga umano’y tumanggap ng tara o payola.
Ulat ni Cely Ortega-Bueno
SMW: RPE