Sinuspinde ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pasok sa lahat ng antas ng mga pampublikong paaralan at sa mga tanggapan ng gobyerno sa buong bansa sa Huwebes, Setyembre 21.
Ito’y makaraang ideklara ng Pangulo na National Day of Protest ang nabanggit na petsa bunsod ng mga ilalargang malawakang demonstrasyon ng mga makakaliwang grupo at mga kontra sa gobyerno.
Gayunman, nilinaw ni Pangulong Duterte na hindi holiday ang September 21 na natapat sa ika-45 anibersaryo ng deklarasyon ng Batas Militar.
Ayon sa Punong Ehekutibo, maaaring magprotesta ang lahat ng grupo sa nabanggit na araw basta’t iwasan lamang na magkaroon ng karahasan.
Ulat ni Jopel Pelenio
SMW: RPE