Mariing itinanggi ng Malacañang na may kamay si Pangulong Rodrigo Duterte sa pansamantalang paglaya ni dating Senador Jinggoy Estrada.
Ito’y makaraang paratangan ng mga kritiko na isang uri ng pagbabayad utang ng Pangulo ang paglaya ni Estrada makaraang makapagpiyansa sa kasong plunder gayung isa itong non-bailable offense.
Ayon kay Presidential Chief Legal Counsel Atty. Sal Panelo, hindi kailanman nakialam ang Pangulo sa alinmang sangay ng pamahalaan maging ang mga tanggapan mismo sa ilalim ng ehekutibo.
Ginawang halimbawa ni Panelo ang nangyaring rejection ng makapangyarihang CA o Commission on Appointments sa tatlong gabinete nito na sina dating DENR Secretary Gina Lopez, dating DSWD Secretary Judy Taguiwalo at dating DAR Secretary Rafael “Ka Paeng” Mariano.
SMW: RPE