Nagpaabot ng pakikiramay ang CHED o Commission on Higher Education sa pamilya ng UST Law freshman na si Horacio Tomas “Atyo” Castillo III.
Ito’y makaraang mapaulat ang pagkamatay ni Atyo na nadagdag sa listahan ng daan-daang mga biktima ng hazing sa ilalim ng mga fraternity.
Batay sa inilabas na pahayag ng CHED, kinondena nito ang pagkasawi ni Atyo sabay panawagan sa mga pinuno ng UST na makipagtulungan sa mga awtoridad para lumutang ang katotohanan.
Giit pa ng Ched, dapat na malantad ang mga sirkumstansya sa pagkamatay ni Atyo at mapanagot ang lahat ng mga nasa likod ng pagkamatay nito sa ilalim ng umiiral na batas tulad ng Anti-Hazing Law.
—-