Nagsanib-puwersa ang limang transport groups para ihirit ang dalawang pisong (P2) dagdag sa minimum na pasahe sa jeepney.
Pormal na inihain sa LTFRB o Land Transportation Franchising and Regulatory Board ang petisyon para gawing sampung piso (P10) ang minimum na pasahe sa jeepney.
Kabilang sa mga grupong nagpetisyon ang LTOP o Liga ng Transportasyon at Operators sa Pilipinas na pinamumunuan ni Orlando Marquez, FEJODAP ni Ka Zenaida Maranan, Pasang Masda ni Ka Obet Martin, ACTO ni Efren de Luna at ALTO-DAP ni Melencio Vargas.
Ayon kay Orlando Marquez ng LTOP, kinakailangan na nilang magtaas ng pasahe dahil sa lumiliit na bilang ng biyahe bunga ng masikip na daloy ng trapiko at patuloy na pagtaas ng halaga ng petrolyo at spare parts.
—-