Isang high-value target na hinihinalang supplier ng illegal drugs sa mayayamang kliyente ang natimbog ng Philippine Drug Enforcement Agency sa Mandaluyong City, kaninang umaga.
Kinilala ang suspek na si Jovet Atelano na naaresto sa kanyang condominium unit sa Unit 506, GA Tower Condominiums sa Barangay Malamib.
Narekober ng mga miyembro ng PDEA-Special Enforcement Service mula kay Atelano ang nasa 1 milyong pisong halaga ng ecstacy, P180,000 halaga ng shabu, ilang piraso ng valium at regulated drug na Mogadon.
Aminado naman ang suspek na isa siyang drug dealer pero matagal na umanong tumigil sa kanyang iligal na aktibidad.
—-