Positibo ang Ombudsman na makakabalik sa kulungan si dating Senador Jinggoy estrada.
Ito ayon kay Special Prosecutor Edilberto Sandoval ay dahil sa mga hawak nilang mabigat na ebidensya laban kay Jinggoy at ito ay ilalatag nila sa ihahaing Motion for Reconsideration.
Sinabi pa ni Sandoval na hindi applicable sa kaso ni Jinggoy ang ruling ng Korte Suprema sa kaso ng dating Pangulong Gloria Arroyo.
Sa kaso ni CGMA, public treasury ang pinagnakawan samantalang sa kaso ni Jinggoy ay mayruong misuse at malversation ng pondo.
Dahil dito nangangahulugang malaking kuwestyon ang aniya’y pagpayag ng Sandiganbayan 5th Division na makalaya si Jinggoy lalo nat non bailable ang plunder case na kinakaharap ng dating Senador.
SMW: RPE