Pinag iingat ng mga opisyal ng bansa sa Taiwan ang mga Pilipino ruon laban sa mga sindikato at indibidwal na sangkot sa mga anomalya sa paggamit ng ATM at sim cards.
Kasunod na rin ito ng mga report na natatanggap ng MECO o Manila Economic and Cultural Office hinggil sa mga nabiktimang Pinoy.
Tinukoy ng MECO ang apat na Pinoy na pinigil sa Taiwan Immigration matapos lumabas sa record na sangkot sa bank fraud ang mga ito na nang ma verify ay nadiskubreng ginamit ng sindikato ang kanilang unclaimed ATM cards mula sa isang loan shark para sa mga iligal na transaksyon.
SMW: RPE