Anumang araw sa susunod na dalawang linggo, sisimulan na ng PNP o Philippine National Police ang 30-araw na retraining sa mga pulis-Caloocan na sinibak sa puwesto.
Ayon kay PNP Chief Ronald ‘Bato’ Dela Rosa, lalamanin ng retraining program ang pagpapaalala sa mga pulis ng police operational procedure, rules of engagement, tamang pagkapkap at paghalughog sa mga target, pagsunod sa batas at karapatang pantao.
Para naman sa mga commander ay pagpapaalala kung paano pamunuan ang kanilang mga tauhan.
Ayon kay Bato, nakadepende sa retraining na ito ang kapalaran ng mga Caloocan police.
Kung maganda aniya ang resulta, posibleng gawin din ito sa mga pulis sa ibang lugar tulad ng Pasay.
—-