Inaasahang muling tataas ang presyo ng mga branded na tinapay sa susunod na buwan.
Ito ay bunsod ng pagmahal ng harina, asukal, LPG at iba pang sangkap sa paggawa ng tinapay.
Ayon kay Philippine Association of Flour Millers Executive Director Ric Pinca, sa susunod na buwan pa mararamdaman sa presyo ng mga tinapay ang mahigit 40 porsyentong pagmahal ng harina.
Bukod dito, nagtaas na rin ang presyo ng ilang mga delata tulad ng corned beef at luncheon meat dahil naman sa mga naitalang pagmamahal ng mga karne, tin can at paghina ng piso.
—-