Pinaalalahanan ng pamunuan ng Manila International Airport Authority (MIAA) ang publiko, hinggil sa paglilipat ng mga airline sa iba’t ibang terminal sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) simula sa Agosto 15.
Ayon sa advisory ng MIAA, kasama sa mga maapektuhang airlines ay ang Air Asia, Cebu Pacific at Tiger Air.
Simula sa Agosto 15, ang mga airbus ng Air Asia na ginagamit para sa flights nito patungo sa Kuala Lumpur at Shanghai ay mapupunta na sa NAIA Terminal 3, habang malilipat naman sa Terminal 4, ang maliliit na eroplano ng Tiger Air at Cebu Pacific.
By Katrina Valle | Raoul Esperas (Patrol 45)