Mahigit 7,000 pamilya o 37,000 indibiduwal ang nawalan ng tahanan sa nangyaring biglaang pagbaha sa Kidapawan City, North Cotabato.
Ayon sa Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office ng Lungsod, tinatayang nasa 16 na barangay na pawang mga nasa mabababang lugar ang lubog ngayon sa baha bunsod ng pag-apaw ng Rio Grande de Mindanao.
Ilan sa mga ito ang mga barangay Bago Inguid, Barungis, Kabaculan, Macasindig at Punol na kasalukuyang ga-baywang ang tubig.
Samantala, 70 porsyento ng populasyon sa mga barangay Inu-og, Talitay, Rajamuda, Kalibet, Caticlan, Nabundas at Lumayong ang nagsilikas na dahil sa baha.
Sa ngayon, wala pang naiuulat na nasawi sa pagbaha ngunit marami na rin ang lumikas sa kani-kanilang barangay hall.
By Jaymark Dagala