Lusot na sa ikatlo at huling pagbasa ang panukalang ipagpaliban ang barangay at Sannguniang Kabataan o SK elections.
Kasunod ito nang pag-certify ng Pangulong Rodrigo Duterte na urgent ang naturang panukala.
Labing pitong (17) senador ang bumoto ng yes nag-no si Senador Risa Hontiveros at walang nag-abstain.
Sa ilalim nang inaprubahang panukala ng Senado idaraos ang barangay at SK Elections sa May 20, 2018 katulad nang naipasa sa Kamara.
Nasa hold over capacity rin ang mga barangay official na matatapos na sana ang termino sa susunod na buwan kaya’t hindi maaaring palitan ang mga ito maliban lamang kung may mabigat na dahilan.
Inalis na rin sa Senate version ang probisyong nagbibigay awtoridad sa Pangulo na mag-appoint ng barangay officials dahil maraming mga senador ang kontra rito.
Ulat ni Cely Ortega-Bueno