Kanselado na rin ang klase ngayong araw sa lahat ng antas sa mga paaralan, pribado man o pampubliko sa buong lungsod ng Davao.
Batay ito sa inilabas na kautusan ni Davao City Mayor Inday Sara Duterte – Carpio kasunod ng idineklarang National Day of Protest ngayong araw.
Ayon sa alkalde, minabuti niyang idamay sa kanselasyon ang mga pribadong paaralan bunsod na rin ng usaping pang-seguridad.
Kaugnay nito, nagpahayag din ng kaparehong deklarasyon si Quezon City Mayor Herbert Bautista sa kadahilanang sakop niya ang mga tinukoy na assembly points ng mga grupong magsasagawa ng mga pagkilos.
Una nang idineklara ni Pangulong Duterte na maliban sa mga paaralan, wala ring pasok sa mga tanggapan ng pamahalaan sa buong bansa, maging ito man ay national o local offices.
—-