Dumistansya si Senate President Koko Pimentel sa word war nila Pangulong Rodrigo Duterte at Senador Antonio Trillanes IV.
Ayon kay Pimentel, mayroong kaniya-kaniyang paraan sina Pangulong Duterte at Trillanes hinggil sa kanilang mga akusasyon at wala namang magagawa rito ang Senado.
Kasunod nito, sinabi ng Pangulo ng Senado na makabubuting hayaan na lamang ang dalawa sa kanilang away at hintayin na lamang ang susunod na mga hakbang ng dalawa.
Ginawa ni Pimentel ang pahayag makaraang aminin ng Pangulo na nag-imbento siya ng bank account number umano ni Trillanes sa Singapore upang sadyang linlangin ito bilang kaniyang patibong.
—-