Mistulang binura na sa mapa ng Hurricane Maria ang US territory na Puerto Rico.
Tinatayang 3.5 milyong residente o kabuuan ng populasyon ng isla ang apektado ng Hurricane Maria.
Ayon sa Puerto Rican Disaster Management Agency, walang kuryente ang buong isla dahil sa epekto ng napakalakas na bagyo.
Lubog din sa baha ang malaking bahagi ng isla bunsod ng malakas na ulan dala ng bagyo na nag-landfall, kahapon.
Samantala, delubyo rin ang naranasan ng ilang karatig isla sa Carribean tulad ng Dominica at US Virgin Islands dahil sa tindi ng hagupit ng isa sa pinakamalakas na hurricane na tumama ngayong taon.
—-