Ikinalugod ng Malakanyang ang pagkakaresolba sa hidwaan ng Kamara at CHR o Commission on Human Rights.
Ito’y makaraang magdesisyon ang Kamara na bawiin ang desisyon na bigyan lamang ng P1,000.00 budget ang CHR para sa susunod na taon.
Ayon kay Presidential Communications Operations Office Secretary Martin Andanar, noon pa ay naka – suporta na ang ehekutibo sa CHR subalit hindi maiwasan na mapuna ito dahil sa mga pahayag na tila pumapanig sa mga kriminal.
Sa katunayan aniya, ang ehekutibo ang mismong nagdagdag sa P678 – M budget ng CHR sa pamamagitan ng DBM o Department of Budget and Management.
Matatandaang 119 na Kongresista ang pumabor at 32 ang kumontra sa mosyon ni 1 – Sagip Party List Representative Rodante Marcoleta na mabigyan ng P1,000.00 budget ang CHR sa 2018.