Muling pinawalang sala ng DOJ o Department of Justice sa kasong rape si actor-comedian Vhong Navarro.
Ayon sa source ng DWIZ patrol, pirmado ni acting Prosecutor General Severino Gania ang review resolution na nagbabasura sa reklamong rape laban kay Navarro na ini-refile ni Denice Cornejo.
Binaligtad ni Gania ang resolusyong isinumite ng prosecution na makasuhan ng rape si Navarro dahil sa kawalan aniya ng bagong argumento at ebidensya ng kampo ni Cornejo para pagtibayin ang kaniyang reklamo.
Magugunitang ibinasura ng Taguig Prosecutors Office ang unang kaso ng rape na isinampa ni Cornejo laban kay Navarro dahil sa kawalan ng sapat na ebidensya kung saan umakyat sa DOJ ang kampo ni Cornejo at muli naman itong nabigo.
(Ulat ni Bert Mozo)