Isusumite na ni Senator Bongbong Marcos ang substitute bill ng Bangsamoro Basic Law o BBL sa Lunes, Agosto 10.
Ayon kay Marcos, Chairman ng Senate Committee on Local Governments, aabot sa 115 ang mga binagong probisyon ng BBL.
Inamin ni Marcos ay may dalawa pang items ang hindi natatapos at ito’y kinabibilangan ng decommissioning process at gayundin ang security of tenure ng civil service workers sa Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM).
Paliwanag ni Marcos, hindi sinasadyang maantala ang pagsusumite ng substitute bill dahil nais lamang nilang matiyak na naaayon sa saligang batas ang BBL.
By Jelbert Perdez