Handa si Taguig City Mayor Lani Cayetano na harapin ang kasong isasampa ng Ombudsman matapos harangin ang sesyon ng Sangguniang Panglungsod sa 2010.
Kasunod na rin ito nang pag-amin ng alkalde sa naging desisyon ng Ombudsman.
Itinanggi naman ni Cayetano na hinarang niya ang mga pulong ng konseho dahil ang pansamantalang paglipat ng session hall ay bahagi ng reorganization na ginawa niya simula nang manungkulan.
Inihayag din ni Cayetano na nang maupo siya sa puwesto, lahat ng konsehal ay laban sa kaniya subalit ngayon ay tatlo na lamang sa mga ito ang galit siya kaya’t pinabubuksan ang nasabing kaso.
By Judith Larino