Labis na ikinatuwa ng Aktor na si Vhong Navarro ang pagbasura ng Department of Justice sa kasong rape na isinampa laban sa kanya ni Deniece Cornejo.
Ngunit bago pa ilabas ng DOJ ang desisyon ngayon hapon ay ekslusibo na itong ibinalita kaninang umaga sa IZ Balita pang umagang edisyon.
Base sa resoslusyon ng DOJ wala silang nakitang probable cause upang ipagharap ng kasong rape sa korte si Navarro.
Ang aktor ay inireklamo sa DOJ ng aktres na si Deniece Cornejo ng panggagahasa.
Sa rekord ng kaso, noong Oct. 16, 2015, isinampa ni Deniece ang reklamo laban kay Vhong sa Taguig prosecutor’s office.
Nailipat sa tanggapan ng prosecutor general ang reklamo dahil dalawang piskal ng taguig ang nag-inhibit sa paghawak ng kaso.
SMW: RPE