Maaari nang matirhan ang mahigit isang libong temporary houses na kasalukuyang itinatayo ng pamahalaan para sa mga biktima ng kaguluhan sa Marawi City sa Disyembre ngayong taon.
Ayon kay HUDCC Chairperson Eduardo del Rosario, ang naturang temporary shelters ay binuo malapit sa Marawi City kung saan pansamantalang manunuluyan ang mga residente bago makalipat ang mga ito sa tirahan sa loob ng lungsod.
Maliban dito , sinimulan na ring itayo ng NHA o National Housing Authority ang isang low rise condominium para sa mga low income earners.
Sinabi naman ng militar na malapit nang Mabawi ng pamahalaan ang Marawi City laban sa grupong Maute – ISIS.
SMW: RPE