Nananatiling istranded sa mga pantalan ang halos 400 pasahero sa Visayas dahil sa bagyong Hanna.
Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), karamihan sa mga istranded na pasahero ay mula sa Cebu.
Hindi din nakaalis sa mga pantalan ang 41 vessels, 103 na motorbanca at 16 na rolling cargoes.
Bagyong Hanna Update:
Sa huling tala ng PAGASA, patuloy na tinutumbok ng bagyong Hanna, ang bahagi ng Batanes – Taiwan area.
Huli itong namataan sa layong 485 kilometro sa silangan hilagang – silangan ng Itbayat, Batanes.
Taglay nito ang pinakamalakas na hangin na umaabot sa 165 kilometro kada oras malapit sa gitna at pagbugso na umaabot sa 200 kilometro kada oras.
Inaasahang kikilos ang bagyong Hanna pa – kanluran hilagang – kanluran, sa bilis na 20 kilometro kada oras.
Nakataas ang storm signal #2 sa probinsya ng Batanes, kasama ang Itbayat; at ang storm signal #1 naman ay nakataas sa Calayan at Babuyan Group of Islands at northern Cagayan.
Bagamat malayo, pinag – iingat ng PAGASA ang mga residente sa southern Luzon, Visayas at Mindanao, dahil paiigtingin ng bagyong Hanna ang hanging habagat na magpapaulan sa naturang mga lugar, at maaring magdulot ng pagbaha at pagguho ng lupa.
By Katrina Valle