Nakaranas ng pagyanig ang lalawigan ng Occidental Mindoro at Batangas dahil sa magnitude 5.6 at 4.9 na lindol kaninang alas 9:30 ng gabi.
Ayon sa magkasunod na information earthquake na ipinalabas ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHILVOCS), ganap na 9:30 ng gabi kanina tumama ang isang Magnitude 5.6 sa lalawigan ng Occidental Mindoro kasunod ang Magnitude 4.9 sa lalawigan ng Batangas.
Batay sa datos ng PHILVOCS, may lalim na 58 kms. sa karagatan ang magnitude 5.9 na tumama sa 13.09°N, 119.94°E – 067 km S 58° W ng Paluan, Occidental Mindoro, tectonic ang origin ng nasabing pag yanig at wala naman umanong inaasahang mga aftershocks.
Magnitude 4.9 naman ang yumanig sa baybayin ng Batangas, naitala ito sa 13.74°N, 120.61°E – 011 km S 12° W ng Calatagan Batangas na may lalim na 156km, tectonic rin ang origin ng nasabing lindol at wala rin namang inaasahang aftershocks dito.