Pinangangambahang marami na namang pasahero ang ma-stranded sa Metro Manila dahil sa ilalargang strike ng transport group na Stop and Go Coalition bukas.
Ito’y bilang protesta sa planong jeepney phaseout ng gobyerno.
Ayon kay Stop and Go Coalition President Jun Magno, bagaman wala ng makapipigil sa kanilang transport strike, bukas naman sila para sa isang dayalogo basta’t pakikinggan sila.
Umaangal din anya silang mga nasa transport sektor sa napaka-mahal na E-Jeepney na ipinapanukala ng gobyerno na ipapalit sa mga lumang jeep.
Samantala, nakahanda na ang Metropolitan Manila Development Authority sa mga commuter na maaapektuhan ng transport strike.
Magtatalaga ng libreng sakay ang MMDA sa Monumento sa tapat ng MCU Southbound; SM Marikina; Luneta Parade Ground; HK Town Plaza sa Pasay City; Technohub sa Quezon City; MMDA Parking lot at Camp Aguinaldo.
SMW: RPE