Binigyang papuri ng Malacañang ang hakbang ng Kongreso na maglikom at bigyan ng 40 Bilyong Pisong pondo para sa pagpapatupad ng Free College Education sa susunod na taon.
Kasabay nito hinimok ni Presidential Spokesman Ernesto Abella ang Senado na suportahan ang naging hakbang na ito ng Kamara.
Ani Abella , mahigit isang milyong estudyante mula sa State Universities and Colleges ang makikinabang sa libreng matrikula simula sa Hulyo 2018.
Binigyang diin pa ni Abella na layunin ng libreng tertiary education ng administrasyong Duterte na mabigyan ang lahat ng Pilipino ng patas na pagkakataon para makapag – aral sa kolehiyo.
SMW: RPE