Sasampahan ng Manila Police District ng kasong obstruction of justice at conspiracy ang mga magulang ni Ralf Trangia na isa rin sa itinuturong suspek sa pagkamatay ng hazing victim na si Horacio Castillo the Third.
Ayon kay Manila Police District Director Chief Superintendent Joel Coronel , mismong ang mag- asawang Trangia ang nag – asikaso para maka- alis ng bansa ang kanilang anak.
Sinabi ni Coronel na nakipag – uganayan na sila sa kanilang counterpart maging sa FBI o Federal Bureau of Investigation upang matunton at maaresto si Trangia na napaulat na nasa Amerika ngayon.
Nabatid na umalis ng bansa nuong Martes si Trangia patungong Taiwan at saka lumipad patungong Amerika.
Tiniyak naman ni Coronel na may mga ginagawa na silang hakbang para maaresto ang iba pang mga suspek na at large sa ngayon.
SMW: RPE