Walo (8) ang patay habang mahigit 100 ang sugatan sa pagsabog na naganap sa Kabul, Afghanistan ngayong umaga.
Ayon sa ulat, isang kotse ang pinasabog ng mga hinihinalang miyembro ng Taliban.
Sa lakas ng pagsabog, maraming bahay at gusali ang nasira habang karamihan sa mga napuruhang biktima ay mga sibilyan na kinabibilangan ng maraming bata.
Kaugnay nito, inaasahan namang madaragdagan pa ang naturang death toll dahil sa tindi ng pinsalang idinulot ng pagsabog sa mga biktima.
Matatandaang kahapon lamang ay anim ang naiulat na nasawi sa suicide bombing na naganap sa eastern Afghanistan na kagagawan din ng Taliban.
By Ralph Obina