Dalawang mangingisdang Vietnamese ang napatay ng mga miyembro ng Philippine Navy sa isa umanong engkwentro sa karagatang sakop ng Bolinao, Pangasinan.
Ayon kay Philippine Navy Northern Luzon Public Affairs Officer Lieutenant Jose Covarrubias, nangyari ang engkwentro nang tangkain ng mga nasabing mangingisdang Vietnamese na tumakas matapos mahuling nangingisda at gumagamit ng fish attractor sa loob ng exclusive economic zone o EEZ ng Pilipinas.
Dagdag ni Covarrubias, limang iba pang mga Vietnamese fishermen ang nadakip at isinailalim na sa kustodiya ng Bolinao Police habang isinasagawa ang imbestigasyon sa pangyayari.
Agad namang nagtungo ang mga kinatawan ng Vietnam government sa Bolinao matapos na malaman ang insidente at sinasabing ikinadismaya ang pangyayari.
—-