Tila mas bukas na ngayon si John Lloyd Cruz na ibahagi ang kanyang romantic life.
Ito’y matapos na mag-post sa kanyang Instagram account ang aktor ng mensahe para sa napapabalitang girlfriend nito na si Ellen Adarna.
Makikita sa larawan ang closeness ng dalawa kung saan hinalikan pa ni Ellen si JL sa kanyang pisngi na may caption na:
“Sobrang baduy neto pero this girl really did something good to my soul. I’ll always be grateful.”
Umani na ng libu-libong likes ang post ng aktor at ilang netizens din ang naghayag ng paghanga sa sweet gesture na ito ni John Lloyd.
Una nang tinawag na baby love ni Ellen sa kanyang Instagram post ang aktor sa kanilang art therapy bonding.
Usap-usapan rin ang kanilang mga beach getaway trip na magkasama nitong mga nakaraang linggo.
Sa ngayon ay wala pang opisyal na pag-amin ang dalawa sa tunay na estado ng kanilang relasyon.
—-